Rain Tears.
Umuulan na naman. bawat patak ay aking tinititigan. bawat sulok ng aking bintana ay basa sa ulan. at higit sa lahat ang aking mata’y nagmistulang bulag sa kanilang sariling luha…
Oo, ito nga ang aking kauna-unahang blog ko na filipino. Maaring nakakatawa ang aking paraan ng pananalita, ngunit ako y hindi sanay sa pagsusulat ng mga salitang may "slang" at lalo na magsulat ng filipinong may magaan at masayang tono. Ang nababasa niyo ngaun ay pilit lamang; may pakiramdam lang ako maging filipino ngaun at magsulat ng ganito.
Oo umuulan na naman, at alam niyo ba na wala akong magawa ngayon kaya ganito ako’y nagsasalitype sa filipino. Ang tanging hiling ko lang sa diyos ngayon eh kung bibigyan niya ako ng awa na sana ay kung sinuman ang makabasa nito ay alam ang aking pinaparating na mensahe.
Madalas talaga ang pakiramdam natin ay di sigurado at di alam kung saan ang paroroonan. May mga oras na ating may puso ay tumatahak sa ilaw ng landas at madalas naman ito ay dumaraan sa kadiliman. Para sa akin, sa aking buhay ang aking buhay ay naklugmok na sa kumunoy ng nasabing kadiliman, at walang tao ang nagdahas na sumubok na iligtas ako…
maaring sabihin niyo na iyon ay hindi possible….mayrong mga tao na sumubok na ako’y iligtas…ngunit…
sinubukan ba nila na abutin ang kamay ko? O nakatayo lang sila dun at dada nang dada ng mga salitang ang tanging ginagawa lamanag ay gawin akong bingi.
Ako ay nasa kadiliman. Ako ay kinukuha ng kadiliman. At balang araw ay magiging kadiliman ako…at tulad ng ulan na pumapatak ay para rin sa aking kabaliwan…
nawawala….patak bawat patak nawawala ang kabaliwan kong kabiyak.
June 23rd, 2005 at 4:37 am
hi… di ka pa rin nagbabago.. lam mo, i want to ask your trust para paniwalaan mo na may mga kaibigan ka na andito para sayo.. i would be frank today, im here mikko… lam mo kamakailan lang when i had my greatest depression… hahaha.. nakakatawa nga eh, kasi i’ve been so “tanga” as in…pero bigla kita naisip and i realize na dapat akong maging malakas kasi may tutulungan pa akong isang “friend”… take note?? friend.. kaya kaw ha… kala ko ba nagkaintindihan na tayo? though words lang itong sinabi ko… what can i do? ang layo natin sa isa’t isa and minsan pa tayo magcommunicate… pero dude kahit ganun.. im still here.. and im willing to stay longer.. kaya kaw?? tama na iyong tears ha? kasi ang luha pagnatuyo ay… muta.. eeewww… gusto mo ba nun?? juxx.. sya! ingat na lang.. my prayers would guide you always…