Affidavit ng isang manunulat
Marami akong pwedeng sabihin, ngunit ito ay nakatadhana lamang sa mga bituin. Maaring ako ma’y nabulag sa katotohanan na ako’y di nag-iisa, bakit kaya tinataboy ko ang katotohanan at ako’y mag-iisa? Ano na nga ba ang dapat kong gawin upang magising ako sa bangungot ko at maging masaya man lang ako? Ewan ko ba. Sinubukan ko maging masaya; maghanap ng kausdap, maghanap ng kaibigan. naghanap ng iniirog. naghahanap ng bagong talento. Ngunit lahat ito’y bigo. Pagkat ako’y isang manunulat lamang, isang taong ang tanging kapangyarihan ay bihagin ang tao sa aking mga salita at letra.
Hindi naman ako nakakatawa, autistic pa nga raw ako eh. Hindi rin naman ako guwapo, siguro sinusubukan lang kayanin ng mga kasama ko. At lalong di naman ako gaya ng mga lalaki diyan na kayang gumamit ng kamao upang lumaban. Suntukin ako at babagsak ako, sipain ako at uubo ako ng dugo. Kaya nga di ako sasaya eh, kasi di ko maipapaglaban ang mga tao na gusto kong ipagtanggol sa buhay….
Pero ginusto ko rin naman maging nakakatawa, maging "tolerable" ang looks (opo, sinubukan ko maging gwapo dati) at matuto man lang ng simpleng suntok o sipa, pero di naman gumagana.Magpatawa naman eh nayeyelo ang yung gusto patawanin, o di kaya lalong lumayo kung "feeling gwapo" o kaya naman eh matalo sa isang laban ng suntukan at tapos babansagan ka pang "bakla". Ewan ko ba. Ano ba ang gusto ng tao sa akin? Ano ba, gusto ba nila ako maging katulad nila, parang nakatawa, parating handang lumaban? Ano ba ang gusto niyo sa akin at parati kayo lumalayo? Bakit di niyo ba ako matanggap kung ano ako.
Dahil ang kaya ko lang talaga ay kausapin kayo tungkol sa kalawakan ng buhay, na lahat sa buhay ay di masaya, o kaya di lahat ay di rin malungkot. Kaya lang kita sagutin sa mga bagay-bagay sa mga seryosong parte ng buhay, di kasi marunong magpatawa man lang.Kaya ko lang ipakita sayo ang aking mga sinulat at ibigay sayo ang mga aralin sa buhay na pwede mong gamitin. Kaya ko lang magmahal nmg buo pero di ko naman alam kung mamahalin rin naman ako pabalik.
Hay, malungkot ang buhay ko.Marring may kaibigan, may mga totoo, may kunyari. Yung pang mga kunyari yung malapit sayo, yung pang totoo ang wala sa piling mo. Bakit kaya ganun? Diba dapat silang mga totoo ang malapit? Ewan ko ba. di ko alam. Siguro ganun lang talaga yun.
Siguro balang araw, mahahanap ko rin ang sagot. Pero sa ngayon, ang Diyos lang ang may alam.